By Beatriz Bernales
Photo Source: Pinterest
Tagu-taguan sa gabing bilog ang buwan,
Payo ng matanda'y wag baliwalain,
Kung ika'y magtutungo,
Sa kagubatang puno ng lagim at misteryo.
Sa kagubatang 'di sapat ang dalangin,
Pati ang talang kung dati'y silbing daan pabalik.
Nasaan na nga ba ang daan pabalik?
Ako kaya'y makakabalik pa?
Pawang aking na'tong natahak,
Paumanhin sa aking nagambala,
Nawa'y ituro sa akin ang daan,
Daang 'di mawari kung sigurado,
Sapagkat ikaw ang susi ng kandado,
Sa kagubatang balot ng misteryo,
Iyong alalahaning bigkasin,
Ang salitang susi ng kahapon: "Tabi-tabi po."
Comments