By Angelica Marie Sanchez
Photo Source: bigbear.com
Alam ko at naiintindihan ko ang iyong kapaguran
Katanggap tanggap yan
Alam ko pagod ka na sa pabago-bagong kapaligiran,
Pare-parehong naninibago at dumadaan sa mundong walang kasiguraduhan
Marahil ikaw ay nagsasawa na,
Mga dating kasiyahan tila naglaho na,
Nawalan ng saysay, ang pagsulat ng bawat salaysay,
Patuloy na naghahanap ng paraan upang maramdamang ikaw pa rin ay buhay,
Naiintindihan kita, kasi nakikita kita,
Kita ko ang pagod at kagustuhan mong makasabay sa pagbabago, kita kita,
Alam ko nakakapagod, pero piliin mong huminga, hihinga, kahit nakkahingal na, magpahinga,
Hindi ka nag-iisa, sasamahan kita, sasamahan kita gumawa ulit ng obra.
Magulo man ang mundo sa labas May pag-asa pa ring naghihintay,
buhay ay magkakaroon ulit ng kulay,
Magkakaron muli ng saysay ang bawat salaysay,
Magkakaroon ng buhay ang pusong tila ba’y humimlay.
Napagod ka, magpahinga ka, tao ka, na may nadarama,
Minsan pumikit ka, huminga, maaring pagdilat mo, mundo’y mag-iba na.
Alam ko pagod ka na, pero sana,
Makahanap ka ng pahinga sa mga bagay na Masaya ka
Kumapit ka, dahil sa pagbabagong mayroon sa mundo,
May mananatili, para sayo
Comments